buod ng kabanata 5 el filibusterismo
1. buod ng kabanata 5 el filibusterismo
Kabanata 5 El Filibusterismo
Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Gabi na’t inilakad na ang prusisyong pang-noche Buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga Guwardiya Sibil. Idinaan ang imahen ni Matusalem, ang pinakamatandang tao na nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalala kay Sinan gang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malungkot sap ag-ilaw. Si San Jose naman kasunod ang mga batang may parol, nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.
Natapos ang prusisyon napuna ng mga sibil na walang ilaw ang parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutserong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio. Tanging bahay ni Kapitan Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay, nasilip niya na ang kapitan ay nakikipag-usap sa kura, alperes at kay Simon, nagkakaunawaan na tayo G. Simon, ani ni Kapt. Basilio, tutungo tayo ng Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares naman ng hikaw ang pinapabili ng kura.
https://brainly.ph/question/1649624
2. buod ng kabanata 5 ng el filibusterismo
El Filibusterismo: Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Buod:
Ang kabanatang ito ay tungkol kay Sinong na isang kutsero. Siya ang kutsero ng karitela kung saan lulan si Basilio. Nang gabing iyon, si Basilio ay pupunta sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang alagaan ang matandang don sapagkat ito ay may sakit. Sa daan ay naantala si Basilio matapos na ang isang kutsero ay bugbugin ng mga guwardiya sibil sapagkat hindi nito nadala ang kanyang sedula. Bukod dito ay mayroon ding prusisyon ng mga imahen na pinangunahan ng imahaen ni Metusalem na pinaniniwalaang ang pinakamatandang tao na nabuhay sa mundo. Ito sy sinundan ng imahen ng tatlong haring Mago. Sa dulo ng prusisyon ay ang imahen ng Birheng Maria.
Matapos ang prusisyon ay napansin ng mga guwardiya sibil na walang ilaw ang karitela ni Sinong kaya naman napilitan ang binate na lakarin na lamang ang daan patungo sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Naiwan si Sinong upang tanggapin ang parusang ipapataw sa kanya ng mga guwardiya sibil. Sa kanyyang paglalakad ay nabaling ang pansin ni Basilio sa tahanan ni Kapitan Basilio sapagkat iyon lamang ang bukod – tanging masaya. Sa di – kalayuan ay natanaw ni Basilio sa loob ng tahanan ni Kapitan Basilio na naroon ang alperes, ang kura, at si Simoun. Si Simoun na para sa kanya ay may nakakatakot na pagkatao. Naulinigan niya na ang alperes at inuutusan ng kura na bumili ng isang pares ng hikaw.
Sa wakas ay narating ni Basilio ang tahanan ni Kapitan Tiyago. Dito ay tinanggap niya ang ulat ng matandang katiwala na may mga kalabaw na namatay, mga katulong na dinala sa kulungan, at matandang tanod sa gubat. Nabalitaan din niya na binihag si Kabesang Tales ng mga tulisan. Nang gabing iyon ay hindi na tumikim ng pagkain si Basilio dala na rin marahil ng labis na pagod.
Keywords: Basilio, kutsero, sedula
Mga Tauhan ng Kabanata 5 ng El Filibusterismo: https://brainly.ph/question/287125
3. El filibusterismo kabanata 5 buod
Kabanata 5 El Filibusterismo
“Ang Nochebuena ng isang Kuchero”
Buod:
Maaga pa sana ay nakarating na si Basilio sa tahanan nina Kapitan Tiago, ngunit ang kalesang kanyang sinasakyan ay naantala dahil sa kapabayaan ng kuchero naiwan kasi nito ang kanyang sedula.at ayaw naman niyang maglagay sa mga mapagsamantala.Kaya siya ay binugbog ng mga guwardiya sibil.Kahit
Iika-ika sa sakit napala at nangingilig ang luha,pinilit niyang ngumiti dahil nakita niyang hinintay siya at hindi iniwan ng pasaherong isang tunay na kaibigan. At muli ay pinatakbo na nang kuchero ang kanyang kalesa.dahil bisperas ng pasko noon ay muli nanaman silang naantala sa daan dahil sa prusisyon kaya napilitan nalang na iparada ng kuchero sa tabi ng puno ng avocado.
Ang kaunahan sa mga rebulto na ipinarada ay si Metuselah. Isa itong matandang lalaki na may mahabang balbas. Nakaupo ito sa gilid ng isang hukay.Kapansin-pansing katabi ng santo angg kaniyang kalanpalayok,batong pambayo at kalikut.Sinasabing kung may Noel daw sa Ikonograpiyang Europeo,may methuselah naman ang mga Pilipino. Tinanong ng Kuchero kay Basilio kung sino ang Santong iyon,sabi ni Basilio na si Metuselah iyon, Ayon sa Kutsero wala daw sigurong guwardiya sibil noong dahil kung meron nahuli na ito sa haba ng balbas. Napangiti lamang si Basilio sa biro ng Kutsero. Kasunod ang tatlong haring mago at may kumento rin dito ang kutsero.wala din daw guwardiya sibil noon tiyak na di nila papayagang maghari harian ang sinumang maitim na tulad ng isang imaheng yan na ang tinutukoy ay si Gaspar at Baltasar.Kasunod ang Karosa ni San Jose na may malungkot na mukha ayon sa kuchero siguro ang dalawang guwardiya sibil na nasa magkabilang tabi ng santo ang dahilan kung bakit malungkot ito.At bilang parangal sa kapanganakan ni Hesus ay nasa hulihan ng mga karo ang imahen ni Birheng Maria. Naardornohan ng mahahabnag pakpak ang malapad na sumbrerong isinuot sa ulo nito upang bigyan diin na nagdadalangtao ang in ani Kristo.
Nang makadaan na ang mahabang prusisyon ay pinaandar na ulit ng kuchero ang kanyang kalesa hindi pa ganun kalayo ang tinatakbo nila ay muli nanamang nasita ito ng mga guwardiya sibil dahil namatay pala ang ilaw sa lampara. Hinihingan nanaman siya ng lagay .Pero talagang matibay ang kutsero wala sa kanyang lagay lagay kung siya ay dadagukan o at bubuntakin kaniya itong tatanggapin. Sa awa sa kutsero ni Basilio ay dinoble na lamang niya ang bayad dito
Napansin ni Basilio na tanging ang bahay laman ni kapitan Basilio ang kakikitaan ng rangya sa disperas ng pasko,Nakita niya si Sinang na lumabas ng veranda na anak ni kapitan Basilio, sa hindi inaasahan ay natanaw din ni Basilio sina Padre Salvi ng simbahan at Alferes ng military at nandun din ang mag aalahas na si Simoun masayang ang tatlo habang nagkakainan at nag iinuman.
Ang pina uusapan nila ay ang mga panindang alahas ni Simoun.Bibili raw ng magandang relo ang alferes at isang pares ng hikaw naman ang gusto ni padre Salvi. Pawisan si Basilio ng sapitin ang bahay ni Kapitan Tiyago.At malungkot na ibinalita ng katiwala kay Basilio ang pagdakip ng mga tulisan kay Kabesang Tales.Naalala ng binata si Juli ayon sa kanya ay pinalungkot siya ng balitang iyon. Hindi pa nagsisimula ang hapunan ay tumindig na si Basilo sa hapagkainan.at dali dali itong pumasok sa silid pahingahan.bimuksan niya ang bintana at pinagmasdan ang abot tanaw na bayan ng sagpang,na pakiwari niya ay humihikbi sa kalungkutan.
Buksan para sa karagdagang kaalaman:
https://brainly.ph/question/2078009
https://brainly.ph/question/513271
https://brainly.ph/question/538781
Ang Buod ng Kabanata 5 ng El Filibusterismo:
Prusisyon na para sa Noche Bunea. Ipinarada na ang mga imahen:
Matusalem- ang pinakamatandang tao na nabuhay kailanman
Tatlong Haring Mago
Ang Birheng Maria.
Nakikita ni Basilio ang ilang kalagayan gaya ng pakikipag-usap ni Simoun kay Kapitan Basilio tungkol sa binibiling alahas.
Nakikita din ni Basilio ang maliwanag at abalang bahay ni Kapitan Basilio ahil sa pagkatay ng hayop para sa handa.
Gayundin, makikita ang marahas na pakikitungo sa mga mahihirap na kutsero. Kailangan pa silang bugbugin dahil nga sa hindi mahusay na pagtatrabaho.
4. Buod ng kabanata 23 el filibusterismo
Answer:
Naging palasispan kay Basilio ang dahan-dahan na pagkalat ng lason sa buong katawan ni Kapitan Tiyago.
Tahimik na nag-aaral si Basilio nang biglang dumating ang mag-aalahas sa tahanan ni Tiyago. Kinumusta muna ni Simoun ang kalagayan ng maysakit pagkatapos ay sinabi niya agad ang kanyang pakay sa binata
Sa kabila ng matigas na pagtanggi ng binata ay muli niya itong pinakiusapan. Humingi siya ng pabor na kung puwede ay pamunuan ni Basilio ang isang pulutong upang maghasik ng kaguluhan sa kalathang Maynila.
Ito ang naisip na paraan ni Simoun upang maitakas niya sa kumbento si Maria Clara. Nagulat si Basilio sa tinuran ni Simoun kaya sinabi niya sa mag-aalahas na si Maria Clara ay pumanaw na.
Nagulat at nayanig ang mundo ni Simoun sa narinig na balita. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Basilio ngunit ipinakita ng binata ang sulat ni Padre Salvi na labis na tinangisan ng amang si Tiyago.
Hindi maiwasan ni Basilio ang maawa sa noo’y nanlumumo na si Simoun.
Explanation:
5. Buod ng kabanata 25 el filibusterismo
El Filibusterismo Kabanata 25 “ Tawanan at Iyakan”
BUOD:
Kakaiba ang paligid ng Pnsiteria Macanista De Buen Gusto ng gabing iyon. Labing apat na kabataan mula sa ibat-ibang lalawigan ang nagkakatipun-tipon upang ganapin ang salu-salong idaraos sa payo ni Pade Irenr. Pinadagdagan ng mga kabataan ang mga ilaw at pinadekurasyunan nila ang lahat ng mesang dudulugan. Ipinadikit nila sa dingding ang mga karatulang nagsasaad na “Luwalhati kay Don Custodiong May Katusuan, Pansit sa Sangkalupaan Lalo Na Sa Kabinataang May Mabubuting Kalooban.
Ang tunay na nararamdaman ng mga kabataanKung susuriin ang mga kabataan sa kabila ng kanilang tawanan ay mapapansin mong gawa-gawa lang ng kabataan ang pagsasaya. Dahil kung klalapitan mo silang isa-isa makikita mong lahat sila ay pinamumulahan ng mga mata at marami sa kanila ay kariringgang may garalgal sa tinig na nagpadama ng lungkot at pag-aalala Totoong nakamaskara lamang sila. Alam ng mga kabataan na marami naring katulad ni Don Custudio na nagbitiw sa kanila ng matatamis na salita subalit ang mga ito ay laging nauuwi sa mga pangakong napapako. Sa tinagal tagal ng panahon sanay na sanay na sila sa marami-rami na ring pambibilog sa kanilang mga ulo. Hirati na sila sa isang libo at isang daang Don Custodio.
Ang paghahalintulad ng mga pagkain ng mga mag-aaralIniaalay nila ang Pansit lanlang kay Don Custodio.Ang mga buto buto naman ng sopas ay para sa panukala ni Don Custodio sapagkat kahit mga buto lang ay kayang gumawa ni Don Custodio ng ibang bagay. Ang Lumpia naman ay para kay Pari Irene tinatawag din nila itong lumpiang Irene. Ang hipon at tortang alimasag ay para sa kura tinatawag nila itong tortang kura. Ang pansit gisado ay para sa bayan at sa pamahalaan dahil ginigisa raw ang pamahalaan ng sariling bansa.
Ang lihim na nagmamanman sa mga mga-aaralAyon sa isa merong nag mamanman sa kanila at iyon ay isang katulong ni Padre Sybila at patakbo ngang nag akayatan ang lahat upang sumilip sa bintanan pero mabilis na nakatalilis ang isang anino ngunit may isa pa silang nakitang tao nan aka sombrero at lumabas sa pintuan ng kainan at napansin nilang palinga linga ang misteryosong tao.at ng may makitang kumakaway ay agad itong sumakay sa karwaheng iyon at ng Makita iyon ni Macaraig ay hindi siya pwedeng magkamali si Senior simon ang lulan ng sinakyang karwahe ng misteryosong lalaki si Simon na kanang kamay ng kapitan Heneral.
Ang mga tauhan sa kabanata 25 ng El Filibusterismo Sandoval Macaraig Tadeo Isagani Pecson Isang katulong ni padre Sybila Misteryosong lalaking nakasumbrero Senior Simon
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Mga tanong sa kabanata 25 el filibusterismo https://brainly.ph/question/2115722
Buong kabanata 25 ng el filibusterismo https://brainly.ph/question/2111436
Kaugnayan sa kasalakuyan kabanata 25 el filibusterismo https://brainly.ph/question/2125559
6. Buod ng kabanata 4 el filibusterismo
Answer:
KABANATA 4 BUOD (EL FILIBUSTERISMO)
Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak naman ang Kabesa na sina Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si Lucia dahil sa malaria.
Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Magbubukid siya at umasenso sa kaniyang tubuhan.
Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay ang kasintahang si Basilio. Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle. Dinala ito sa korte ngunit natalo siya.
Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may nakitang pera sa kaniya. Pinatutubos naman siya sa halagang 500. Upang may pantubos sa ama, isinanla niya ang laket na bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara.
Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay Hermana Penchang noong bisperas ng Pasko. Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga.
Aral – Kabanata 4
May mga buhay na nasisira ang pagiging ganid at mapanglamang sa kapuwa. Katulad ng kuwento ni Kabesang Tales na nagsusumikap ngunit pinabagsak ng makasariling interes ng mga prayle.
7. buod ng el filibusterismo kabanata 8
Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami siyang naalala. Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw.
8. Buod ng el filibusterismo kabanata 7
Answer:
kabanata 7
Explanation:
Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng dalawang tauhan na sina Simoun at Basilio.
Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita ni Basilio ang misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing sa kanyang inang si Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si Simoun.
Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod sa kanyang huwad na katauhan ay batid din ng binata ang binabalak ni Simoun na himagsikan laban sa mga mapang-aping kasapi ng pamahalaan.
Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Ang pangarap ni Simoun ay makatapos ng medisina at matubos sa pagiging alila ang kanyang kasintahan na si Huli.
Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya ni Simoun. Sinabihan niya ang binata na walang kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay dapat na maging malaya muna sila sa mga mang-aalipin para makamit nila ang mapayapang buhay.
Hindi naging sapat ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan niyang makumbinsi ang binatang si Basilio.
9. buod ng kabanata 1 el filibusterismo
El Filibusterismo Kabanata 1:
Sa Ibabaw ng Kubyerta
Buod:
Naglalayag sa Ilog Pasig ang Bapor Tabo isang umaga ng Disyembre. Patungo ito sa Laguna at lulan sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun. Mataas ang tingin ng mga tao kay Simoun dahil na rin alam nila, lalo na ang mga tao sa Maynila, na naimpluwensyahan nito ang Kapitan Heneral.
Dahil sa kabagalan ng bapor, habang ito'y naglalakba, ay napag-usapan sa ibabaw ng kubyerta ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Sa kanilang usapan, iminungkahi ni Simoun na gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at nagbigay ng solusyon na kumbinsihin na lang ang mga tao na mag-alaga ng itik. Sa ganitong paraan, huhukayin ng mga tao ang ilog upang may makuhang suso na kanilang ipapakain sa mga alagang itik. Ngunit, hindi nagustuhan ni Donya Victorina dahil nandidiri siya sa mga balot.
Ibang bersyon ng buod:
https://brainly.ph/question/2563469
10. buod ng el filibusterismo kabanata 32
Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigaan ang kanyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si Isagani’y sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit. Si Salvador ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamang ang di nakakuha ng pagsusulit. Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.
Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan.
Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng iba’y pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita.
Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang isip at muning lampas sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila.
Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa. Si Simoun daw ang mamamahala. Ito’y ganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral. Ang mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilala kay Simoun upang sila’y anyayahan sa piging.
11. buod ng kabanata 16 el filibusterismo
Buod Kabanata XVI
Ang Kasawian ng Isang Intsik
Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan. Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki.
Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papaya gang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating. Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gaagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.
https://brainly.ph/question/1333679
https://brainly.ph/question/1319949
https://brainly.ph/question/1363799
12. buod ng kabanata 34 el filibusterismo
Answer:
Nasa lansangan si Basilio at tumungo sa kaibigang si Isagani upang makituloy. Ngunit wala ang kaibigan sa bahay nito at maghapon daw na di umuwi.
Iniisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog. Ikawalo na ng gabi at kakaunting sandali na lamang ay sasabog na ang lampara.
Nakita niyang bumaba sina Paulito at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal. Nahabag siya para sa kaibigang si Isagani.
Inisip niyang ayain ito sa himagsikan ngunit naisip niyang di ito papayag dahil wala pa namang pasakit na naranasan sa buhay. Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya hindi na rin siya makapaghintay sa mangyayaring pagsabog.
Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago kung saan gaganapin ang piging. Dala nito ang lamparang mayroong pampasabog.
Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga panahong nasa tahanan siya ni Tiago. Nakita niya kung gaano karangya ang bahay at kagamitan sa tahanan ni Kapitan Tiago.
Explanation:
HOPE IT HELPSSS. PA-BRAINLIEST NAMAN! THANKS
13. buod ng kabanata 31 el filibusterismo
Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani
Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli. Nangakalaya ang mga estudyanye. Una’y si Makaraig. Pinakahuli si Isagani. Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral. Ang tanging di nakalaya ay si Basilio.
Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos na ng panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang Pilipinas.
Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito.
Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi niya sa kanyang kutserong katutubo: “Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanya’y hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo”.
Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at nagsabing siya’y uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na koreo (bapor).
Para sa ibang detalye tungkol sa ika-31 na kabanata ng El Filibusterismo, i-click ang link na ito:
https://brainly.ph/question/516564
https://brainly.ph/question/2151959
https://brainly.ph/question/2137825
https://brainly.ph/question/2098377
14. buod ng kabanata 7 el filibusterismo
Ang Kabanata 7 ng nobelang El Filibusterismo ay pinamagatang “Si Simoun”. Narito ang buod ng nasabing kabanata:
Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo at yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang mapanglaw na mukha.
Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay walang iba kundi ang alaherong si Simoun—napagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra.
Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba niya kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak.
Sa karagdagang impormasyon:
https://brainly.ph/question/1415054
15. buod ng el filibusterismo kabanata 11
El Filibusterismo: Kabanata 11: Los Baños
Buod:
Ang kabanatang ito ay tungkol sa mga aktibidad ng kapitan heneral sa bayan ng Los Baños. Noong una ay nakalibangan nito na mangaso kasama ang isang grupo ng mga bandang musiko ngunit hindi man nakatama ng isang ibon o usa.Imbes na madismaya ay natuwa pa ito sapagkat hindi siya pag – iisipan na malupit sa mga hayop. Naglaro din ang kapitan ng tresilyo sa bahay – aliwan kasama ang mga kurang sina Padre Sibyla at Padre Irene. Sa laro ay sinasadyang magpatalo ng dalawang kura sapagkat nais nilang mas makasama ng matagal ang kapitan upang pag – usapan ang akademiya ng kastila na nais nilang ipatayo. Sa kabilang banda, napagpasiyahan naman ng kapitan na ipagpaliban ang papeles nito. Ang pagkatalo ng mga kura ay labis na ikinagalit ni Padre Camorra kaya’t nagpasiya na itong umalis.
Sa pag – alis ni Padre Camorra ay pinalitan siya ni Simoun. Itinay niya ang kanyang mga brilyante katumbas ng mga pangako na itinaya ng mga kura. Ang kay Padre Sibyla ay pangakong sa oras na matalo siya ay magiging mapagmalabis siya sa maluhong pamumuhay at paggastos, aalisin ang awa sa mga mahihirap, at hindi na mabubuhay ng may kabutihan. Ang kay Padre Irene naman ay ang pangako na sa oras na matalo ay aalisin ang awa sa kapwa at ang kabutihang asal. Samantalang ang sa kapitan naman ay ang pribilehiyo na makapagpabilanggo ng sinumang naisin niya ng limang araw at pagpapabaril sa isang taong kanyang mapipili. Nang marinig ni Don Custodio ang mga kondisyong inilatag ni Simoun ay lumapit ito kasama sina Padre Fernandez at ang mataas na kawani. Itinanong ng mataas na kawani kumbakit ito ang nais ni Simoun. Tumugon ang binate at sinabing para daw malinisan ang bayan at maalis ang lahat ng masasamang tao ng Bayan ng San Diego.
Inisip ng mga naroroon na ang dahilan ng kanyang mga kahilingan ay ang pagkakakumpiska ng mga tulisan ng kanyang dalawang rebolber. Napag – usapan ang pagdadala ng armas at ipinasya ng kapitan heneral na ipagbawal ang mga ito ngunit tumanggi si Simoun at sinabing ang mga tulisan ay nangangailangan ng mga armas upang mapakain ang kanilang mga sarili. Nilinaw niya na ang mga tulisan ay hindi lamang yaong mga naninirahan sa bundok sapagkat mayroon ding mga tulisan na namamalagi sa siyudad.
Matapos nito ay napag – usapan naman ang kakulangan sa mga paaralan. Ipinayo ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan sapagkat tuwing Linggo at pista lang naman daw ito ginagamit at ang mga ito ay may mga pinakamaayos na gusali. Sinabi ng heneral na pag - aaralan niya. Ang sumunod ay napag – usapan ang balak na pagpapatayo ng akademiya ng wikang kastila. Tinanong ng heneral ang kawani ukol dito. Pinuri nito ang balak ng kabataan. Ngunit mariin itong tinutulan ni Padre Sibyla. Wala raw ito sa panahon at isang paghahamak sa mga Dominiko. Napagkasunduan ng mga kura na huwag payagan ang kagustuhan ng mga kabataan upang hindi lumabas na sila ay nagapi. Iminungkahi ng mataas na kawani na palayain si Tandang Selo kapalit ni Kabesang Tales. Bagay na sinang – ayunan naman ng kapitan heneral.
Keywords: tresilyo, kapitan heneral, Simoun
Mga Tauhan ng Kabanata 11 ng El Filibusterismo: https://brainly.ph/question/2087604
16. buod ng el filibusterismo kabanata 1
Answer:
Answers
El Filibusterismo–Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta
Buon ng Kwento
Umaga at Buwan ng Disyermbre. Sa Ilog Pasig, ang Bappor Tabo ay sumasalunga. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at si Simoun.
Nag-usapan nila ang pagpapalalim ng Ilong pasig. Nagbigay ng mungkahi si Don Custodio na mag alaga ng itik. Si Simoun naman ang kilalang tagapayo ng Kapitan Heneral na gumawa ng tuwid na kanal na mag-kokonekta sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila.
Nagkaroon ng sagutan sa pagitan ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw naman ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng mga pato dahil dadami raw ang balot na kinadidirihan niya.
17. buod ng kabanata 30 el filibusterismo
Answer:
Nabalita sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip kay Basilio. Dinamdam ng bayan nang higit ang huli. Maari raw ipatapon o patayin ang binata. Enero rin daw nang bitayin ang tatlong martit sa Kabite. Mga pari na iyon, nabitay pa. Tiyak daw na bibitayin din si Basilio.
Nagkagayon daw si Basilio, ayon kay Hermana Penchang, dahil di nag-aagwa bendita sa Simbahan dahil narurumihan sa tubig. Hindi raw nakasasakit ang agwa bendita. Nakagagaling pa nga raw ito. May ilan pa ang nanisi rin sa binata.
Ngunit marami ang nagsasabing di dapat mangyari iyon kay Basilio.Tahimik ito. Naghihiganti raw lamang ang mga prayle dahil sa pagkakatubos ni Basilio kay Huli na anak ng tulisang si Tales.
Mabuti raw at pinaalis na niya si Huli, ani Hermana Penchang. Ayaw daw niyang magalit ang mga prayle sa kanya. Ang totoo’y di niya ibig ipatubos si Huli.
Si Hermana Bali ang nagbalita kay Huli ng tungkol kay Basilio. Hinimatay pa si Huli dala ng balita. Sa Pilipinas ay kailangan ang ninong sa ano mang pagkilos. Wala nang tagatangkilik si Basilio sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago kaya’t tiyak na mabubulok sa bilangguan si Basilio o mabibitay wala mang kasalanan.
Naisip niyang tulungan si Basilio. At may kung anong nagbulong sa kanya na patulong kay Padre Camorra, ang nakapagpalaya kay Tandang Selo. Kung sabagay, nang pasalamatan niya ang kura ay di ito nasiyahan. Humingi ito ng “ pagpapasakit” pa. Mula noo’y iniwasan na ito ni Huli. Gayunman, may mga binatang binambo ni Padre Camorra nang mangharana ang mga iyon sa dalaga. May nangagsapantaha na ng di mabuti kay Huli ukol kay Padre Camorra.Pinarunggitan siya sa paglalakad niya.
Mula noo’y naging malungkutin si Huli. Minsa’y naitanong kay Hermana Bali kung nahuhulog sa impiyerno ang nagpapakamatay. Di natuloy ang balak niya. Natakot siya sa impiyerno.
18. Buod ng El Filibusterismo-kabanata 24
El Filibusterismo—Kabanata 24: Mga Pangarap
Si Isagani at Paulita sila ay nagkita sa may Luneta para mag-usap at magkaroon ng pagkakaunawaan. Nabulaybulay ni Isagani tungkol sa hindi magandang kalagayan ng kanyang bansa at ang mga naranasan nito. Nagako si Isagani sa kaniyang sarili na iaalay niya ang kaniyang buhay sa bayan na kaniyang kinalakhan. Sinabi niya sa kaniyang sarili na kung hindi siya magtatagumpay, masaya pa rin niya na isa siya sa mga bayani nagpakita ng pagmamahal sa kanilang bayan.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa paksang ito, pakisuyong bisitahin ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/1377317https://brainly.ph/question/2123471https://brainly.ph/question/213288019. kabanata 9 ng el filibusterismo buod
El Filibusterismo: Kabanata 9: Ang Mga Pilato
Buod:
Ang mga tao sa bayan ay nagkukwentuhan ukol sa kinahinatnan ni Tandang Selo at kung sino ang may kinalaman sa pagkakapipi ni Tandang Selo. May ilan sa kanila na naniniwala na ang alperes ang dapat managot. Ang iba naman ay sinisisi ang tinyente ng mga guwardiya sibil sapagkat hinayaan ng mga ito na mabihag ng mga tulisan si Kabesang Tales. May mga nagsabi din na dapat managot ang bagong nagmamay – ari ng lupain ni Kabesang Tales sapagkat isinuplong nito si Kabesang Tales matapos na titigan siya ng masama at tila minamataan kung saang bahagi ng kanyang katawan patatamain ang bala. Sinisisi din nila si Hermana Penchang na magtulak kay Huli na tumungo kay Pari Camorra upang doon ay humingi ng tulong upang mapalaya ang kanyang kasintahang si Basilio mula sa piitan. Sa kabila nito ay nangatwiran naman si Hermana Penchang at sinisi ang matanda sapagkat hindi raw ito marunong magdasal at hindi tinuturuan ang kanyang anak na si Kabesang Tales at apong si Huli na magdasal. Nagalit din daw ito ng malaman na tutulungan ni Huli ang kasintahang si Basilio na makalaya at sinabihan ang binate n isa itong demonyong nagaanyong mag – aaral na nais ipahamak ang kaluluwa ng dalaga.
Samantala, nakabalik na si Kabesang Tales mula sa piling ng mga tulisan gamit ang perang pinagbentahan ng mga alahas ni Huli at ng perang kapalit ng pagsama nit okay Hermana Penchang. Nalaman niya na mayroon ng bagong nagmamay – ari ng kanyang lupa. Nalaman din niya na naging bayarang utusan ang anak na si Huli at napipi ang kanyang amang si Tandang Selo. Sa utos ng hukuman ay pinalayas sila sa kanilang lupain ayon na rin sa kagustuhan ng bagong nagmamay – ari nito at ng mga kura. Maging si Kabesang Tales ay tila napipi sa kinasadlakan ng kanyang pamilya. Nanatili siyang walang imik na gaya ni Tandang Selo dala na rin marahil ng labis nag alit at lungkot sa nangyari sa kanyang pamilya.
Keywords: Kabesang Tales. Tandang Selo, pilato
Mga Tauhan sa Kabanata 9 ng El Filibusterismo: https://brainly.ph/question/2092229
20. buod ng kabanata 19 el filibusterismo
Answer:
El Filibusterismo/Kabanata 19 : Ang Mitsa
Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais niyang gumawa ng isang libo`t isang paghihiganti. Parang ibinubulong ng kanyang budhi: Placido Penitente, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na ang paglait ay hinuhugasan ng dugo.
Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog.
Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig pag-uundayan ng suntok. Nagpigil. May naraanang dalawang kadete na nakikipag-usap sa isang kawani. Sinagasa niya ito. Tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamok si Placido.
Inakala na ni Placido wala na siyang pagkakataong mag-aral. Aniya sa sarili. Hindi raw kami marunong maghiganti. Dumating na sana ang lintik at nang makita nila.
Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang. Kararating nito mula sa Batangas. Sinabi ni Placido na di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak. Nagpaalam si Placido sa ina.
Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ayaw ni Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli. Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis. Di na kumain muna, muling umalis ang binata. Nagtungo sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman at kalabanin ang mga prayle.
Ginabi siya sa paggagala. Walang natagpuang kaibigan. Napatungo siya sa perya. Nakita niya si Simoun. Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang magpasa- Hongkong. Nagpatulong siya sa mag-aalahas.
Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe. Pag-karaan ng ilang oras na biyahe ay ipinatigil ang sasakyan. Bumaba sina Simoun at Placido. Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal. Nainggit si Placido. Kinainisan sina Paulita at Isagani. Anya: Sa ganyan lamang mapapakinabangan. Nagpatuloy ng paglalakad sina Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang bahay na munti pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego. Inatasan si Simoun na makipagkita ang guro sa tenyente at sa kabo ng mga militar, gayundin si Kabesang Tales. Nagtanong ang guro sa di pa nila kahandaan. Ani Simoun: sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal. Kung ipagpapaliban ay baka patay na si Maria Clara. Tumalima ang dating guro.
Dalawang oras na nag-usap sina Simoun at Placido sa bahay ng mag-aalahas bago umuwi sa kaserahan si Placido.
Nang mapag-isa ang mag-aalahas ay nagtalo ang loob ni Simoun. Sinusurot siya ng budhi dahil bahagi siya ng kabulukang nais niyang puksain. Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na tumututol sa kanyang ginawa. Ngunit umiling siya.Aniya: Kung ako`y tumulad sa inyo ay patay na ako, Gumawa ako ng masama upang mabigyang daan ang mabuti.
Explanation:
21. Buod ng El filibusterismo kabanata 13 ?
El Filibusterismo
Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika
Buod:
Ang kabanatang ito ay nagsimula sa paglalarawan ng silid aralan ng klase sa pisika. Ipinakita rito ang pagpapahalaga ng mga guro sa mga kagamitan na nasa loob ng isang aparador na may salamin at nakasusi. Ang mga gamit na nasa loob ng aparador ay nagsisilbing tila palamuti lamang sapagkat ni hindi ito nagagamit o nahahawakan man lamang ng mga mag aaral. Hindi lamang ang mga gamit na ito ang halos walang gamit kundi pati ang mga guro na nagtuturo sa paaralang ito. Tulad na lamang ni Padre Millon na isang batang Dominiko na nagtapos ng pilosopiya sa kolehiyo ng San Juan de Letran ngunit itinalaga bilang guro ng pisika.
Ang uri ng pagtuturo ni Padre Millon ay nakabatay sa kung ano ang ipinapakita ng mga mag aaral. Ang una niyang sinubok ay ang antuking mag aaral. Ngunit dahil hindi ito nakikinig ay hindi ito nakasagot. Ininsulto ito ng guro at matapos ay tinawag si Pelaez matapos na marinig na ito ay tumugon ng pabulong sa kanyang huling tanong. Sapagkat madalang pumasok sa paaralan ay halos maisagot si Pelaez at tinatapakan ang paa ng kamag aral na si Penitente upang humingi ng sagot. Napalakas ang boses ni Placido sa pag dikta ng sagot kaya naman siya ang binalingan ng guro. Maging si Placido ay nalito sa kanyang tugon kaya naman inulan ito ng guro ng mura. Nasakatan si Placido sa lahat ng masasakit na narinig mula sa guro kaya't ito ay umalis ng walang paalam. Nagulat ang lahat sa kanyang ginawa at natapos ang klase ng ang lahat ay puno ng pagtataka. Natapos ang klase sa pamamagitan ng isang sermon mula sa guro at umuwi ang lahat ng mag aaral ng walang anumang natutunan.
Read more on
https://brainly.ph/question/2135077
https://brainly.ph/question/2107208
https://brainly.ph/question/2155022
22. Buod ng El filibusterismo kabanata 2?
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin.
23. buod ng el filibusterismo kabanata 8
El Filibusterismo Kabanata 8 “ Maligayang Pasko”
Noong umagang iyon ay nagising si Juli sa mga tilaaok ng manok . Iginala niya ang kanyang paningin at nakita niyang madilim pa ang paligid. At ang una niyang naiisip ay baka nga nag mimilagro na ang mahal na Birhen at hindi na aaraw pa . naupo muna siya sa hinigaang banig sumandal siya sa dingding at nagdasal. Pagkatapos ay tumindig siya dali daling nagtungo sa batalan. Luminga linga ang dalaga at at nakita niyang unti unti ng nagliliwanag ang paligid naiiisip niya wala ng pag asa bigo siya sa kanyang hinihiling n asana ay huwag ng mag umaga, pero bigla niyang naiisip na meron pa nga pala siyang isang kahilingan. Dali dali siyang pumunta sa altar sapagkat humiling siya ng pera sa mahal na birheng maria pero bigo siya dahil wala siyang nakitang kahit isa mang lapis a altar.
Ang Mga Inisip ni Juli para di siya malungkot sa kanyang pag alis.Walang nagawa si Juli kundi ang magsimula ng mag intindi ng kanyang almusal at mga gamit sapagkat ang araw na iyon ang araw na siya ay maninilbihan na sa isang mayaman. Inisip na lamang niya para di siya malungkot na di naman siya lalayo madadalaw parin niya ang lolo niya kung nanaiisin niya, At tiyak naman niyang maiintindihan siya ng kanyang kasintahan na si Basilio dahil alam naman nito ang sinapit ng kanyang ama, lalo pa at ang sabi sa kanya ni Basilio na magsusunog ito ng kilay para makapagtapos ng pag aaral at magiging Doctor at di na daw kakailanganin ng kanyang ama ang mag bungkal ng lupa, umalis na siya ng araw na iyon iniwan niya ang kanyang lolo na malungkot na naka tingin sa kaniya.
Si Tandang Selo ng umalis si JuliNag paalam na ang kanyang apo para lumuwas at para manilbihan sa ibang tao, lungkot na lungkot si tandang Celo pagkat pasko noon di na nga siya naalalang baitiin ng kanyang apo bago umalis sumilip siya sa bintana at nakita niya ang ibang bata at matatanda na bihis na bihis nakaramdam siya ng lungkot isinara nalamang niya ang bintana para di Makita ang mga tao, ngunit ng Makita niya ang kanyang mga kamag anak at akmang babatiin niya ang mga ito walang lumalabas na boses sa kanyang mga bibig, na pipi si Tandang Celo dahil sa labis na kalungkutan at pagdadalamhati na sinapit ng kanyang pamilya.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Kabanata 8 el filibusterismo https://brainly.ph/question/2111068
Explanation kabanata 8 el filibusterismo https://brainly.ph/question/2120154
24. Buod ng El filibusterismo Kabanata 38 ??
El Filibusterismo Kabanata 38 “ Kasawian” Buod
Naging bukangbibig bilang tagahasik ng kasamaan, sinalakay niya ang dalawang lalawigan na sunod-sunuran sa kapangyarihan, Tiningala ng marami si Matanglawin bilang pinagpipitagang pinuno . ang laban Ni Matanglawin ay laban din ng taong bayan ,Pakikitunggali iyon ng mga abang inaapi ng lipunan.
Sa pangamba nga lahat ay naapektuhan ang kalakal ng ekonomiya sa bawat lalawigan. Walang gustong magtinda sa mga pamilihan at wala ring gustong bumili ng inaalok na produkto sa lansangan , sapagkat nag-aalala ang mga mamamayan baka pati sila ay madamay at paghuhulihin ng mga guwardiya sibil.
At tama nga ang hinala ng mga mamamayan pitong katao ang napisil na hulihin, pinaikot ikot ang mga ito sa kabayanan, pinaakyat sa taas ng bundok sa kabila ng init ng araw at walang sapin sa paa itinuring silang mga alipin habang patuloy ang pagpaparusa ,sipa,daguk at hampas ng baril sa ulo ang parusang ipinapataw sa kanila.
May isang guwardiya sibil ang walang awang nagpaparusa sa mga bihag walang iba kundi si Mautang. Kaya sinita ito ng batang batang sundalo na si Carolino na walang iba kundi si Tano. Pero ayon kay mautang kailangan daw nilang maging marahas sapagkat kung lalambut-lambot sila ay tiyak na mag aalsa lahat ng tao na dapat iisang tabi ang awa para sa kanya may magpaparusa at may dapat parusahan.
Sa kanilang paglalakad ay may biglang nagpaputok sa tuktok ng bundok at natamaan nga si Mautang at agad naman nitong ikinamatay, dahil si Carolino ang pinakabagong sundalo at pinakabata siya ang inutusan ng corporal na umakyat ng bundok,may isang matanda ang kumakaway sa kanya na may hawak ng baril di maintindihan ni Carolino ang sinasabi nito bagkus ang tangin naiintindihan lamang niya ay ang sigaw ng corporal at mga kasamahan niyang sundalo na paputukan na ang matanda, ginawa niya iyon at agd namang bumulagta sa lupa ang matanda ng lapitan niya ito hindi siya maaring magkamali iyon ang kanyang lolo Selo. Wala siyang ibang nagawa kundi ang umiyak at yakapin ang katawan ng matanda at humingi siya ng kapatawaran dito, at ipinikit nalang niya ang nakadilat na mata ng matanda ng malagutan ito ng hininga.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
El Filibusterismo talasalitaan kabanata 38 https://brainly.ph/question/2094821
Ano po ang Simbolismo ng kabanata 38 ng El Filibusterismo https://brainly.ph/question/1376748
25. El filibusterismo buod ng bawat kabanata
Answer:
yes po pero yung iba hindi buod
26. ano ang buod ng kabanata 5 el filibusterismo
Kabanata 5 Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.
Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.
Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio.
Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.. nagkakaunawaan na tayo, G. Simuon, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili’ ng kura. (Bakit kaya hikaw?)
Nasabi ni Basilio s sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin.
Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man.
Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay, mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda.. Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling balita’y ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.
27. el filibusterismo buod ng kabanata 1
Kabanata 1 El Filibusterismo “ Sa Ibabaw ng Kubyerta”
BUOD
Isang umaga ng disyembre, Kapansin pansin ang isang bilugang barkong mukhang hirap sa kanyang pag-usad sa Ilog-Pasig, sakay nito ang mga taong patungong Laguna. Ang nasabing sasakyan ay kilala sa tawag na Bapor Tabo sapag hugis tabo ito. Hindi matutuligsa ang nagpapanggap na maputi,maharlika, pormal at maunlad sa likod ng pinturang puri bagaman hindi ito maituturing na isang bapor dahil ito ay may mga kakulangan.
Ang paghahambing ng Bapor Tabo sa PamahalaanMalinbaw na inihahambing ang bapor sa pamahalaan ang mga sakay nito sa ibabaw ay ang mga kilala sa lipunan ang mga prayle, kastila, may mga katungkulan sa pamahalaan at mga Pilipinong nagkukunwaring may dugong bughaw.At sa ilalim naman ng Barko matatagpuan ang mga Indiyo, mga intsik at mahihirap na mistiso, Katulad ng pamahalaan ang Bapor Tabo mabagal ang pag-usad sapagkat ang pilipinas noon ay halos hindi umuunlad, At ang bilog na hugis ng barko ay inihahalinulad sa walang malinaw na plano sa pamamalakad ng gobyerno sapagkat hindi alam ang unahan, tagiliran at hulihan na nagpapalito kung saan patungo at saan ang pabalik.
Ang pagtrato ng mga Kastila sa mga PilipinoNoon ay sobrang sama ng trato ng mga kastila sa mga Pilipino sila ay pinagtatrabaho ng walang bayad at pagkain ngunit hindi naman sila makapag reklamo sapagkat likas na sa mga kababayan natin ang pagiging matiisin at masunurin sa lahat na ipinag-uutos ng mga kastila.
Ang mga tauhan sa Kabanata 1 El Filibusterismo Simoun – ang isang napakayamang mag-aalahas, at taga payo ng kapitan Heneral na mayroong makapangyarihang tinig Padre Salvi- Isang pari na nakasakay sa itaas ng kubyerta Padre Camorra- ang paring mukhang artilyero Padre Irene- isang pari na nakasakay sa ibabaw ng kubyerta, Ben Zayb- siya ang isang manunulat na may mataas na papuri lagi sa mga pari at Don Custodio sa kanyang mga inilalathala. Don Custudio- ang isa sa mga Pilipinong may mataas na katungkulan sa pamahalaan ngunit hindi maki Pilipino. Donya Victorina- ang babaeng may mamula-mulang buhok nag kukunwaring Espanyola ngunit isa naman talagang Pilipina.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Ano ang mensahe ng el fili kabanata 1 https://brainly.ph/question/2143826
Simbolismo sa kabanata 1 ng el fili https://brainly.ph/question/2139474
28. buod ng kabanata 26 el filibusterismo
Answer:
Tauhan:
Macaraig
Basilio
Kapitan Tiyago
Isagani
Buod:
Maaga pa lamang ay gumising na si Basilio upang magtungo sa Unibersidad ngunit hindi tulad ng maasahan niya. Ang mga tao ay natatakot at malungkot ang itsura. Nakasalubong ang ilang estudyante ngunit sinabihan namang mag-ingat. Narinig niya ang talumpati ni Isagani at lumisan sa lugar ngunit naaresto siya kasama si Macaraig ng mga guwardiya.
29. buod ng el filibusterismo kabanata 30
Ang pamagat ng ika-tatlumpung kabanata ng El Filibusterismo ay “SI Huli.” Ang partikular na kabanata na ito ay tungkol sa kasintahan ni Basilio na si Huli at ang kalungkutan at pang-aabuso sa dalaga. Ang buod nito ay:
“Si Huli ay inaanyayang humingi ng tulong kay Padre Camorra upang mapakawalan si Basilio. Nagdalawang isip ang dalaga subalit tumuloy rin matapos mabalitaan na bibitayin si Basilio.”
30. buod ng kabanata 24 el filibusterismo
Answer:
Kabanata 24 - Mga Pangarap
Explanation:
Ang magkasintahang sina Isagani at Paulita ay mag-uusap sa Luneta. Galit si Isagani dahil nakita niyang magkasama sina Paulita at Juanito sa dulaan. Ngunit napag-alaman niya na si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez kaya nagkatawanan sila ng kausap. Nagkapalitan din sila ng mga pangarap sa hinaharap. Nais raw ni Isagani na sa nayon manirahan. Para sa kanya, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan bago pa nakilala at nakita si Paulita. Ngunit nabatid niyang parang naging may kulang sa kanya ang bayang iyon at natitiyak niyang ang kulang ay ang kanyang nobya. Ngunit ayaw pumunta doon ni Paulita. Ayaw daw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik. Ang nais niyang paglalakbay ay sa pamamagitan ng tren. Pinaghambing ni Isagani sa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa nagkaramdam na si Simoun at ang mga sugatang kawal na galing sa digma. Sa mga sugatang kawal ay ni walang pumapansin subalit kay Simoun ay nabahala ang marami. Iba na raw ang mayaman ayon sa binata. Ang bayang nasa isip niya ay ‘di lamang Pilipinas kundi pati ang Espanya. Nang dumating sina Paulita ay nginitian niya ang nobyo. Ngumiti rin si Isagani at tila ba napawi lahat ng kanyang pagkainis. Masaya na sana si Isagani ngunit biglang itinanong ni Donya Victorina kung nasa kanilang nayon ba nagtatago ang asawa niyang si Don Tiburcio. Ipinagkaila ng binata ang kanyang nalalaman. Ngunit may pahabol na tanong ang Donya na ano daw kaya kung ipakasal siya kay Juanito. Kinaiinisan man ang kanyang kamag-aral ngunit pinuri pa niya si Juanito sa harap ng Donya. Pinagbigyan ni Donya Victorina na magkausap ang pamangkin at ang nobyo nito. Kung magkakatuluyan nga naman si Paulita at Isagani ay masasarili niya si Juanito.